Saturday, June 26, 2010

Dahil sa hindi pagkibo ng unyon

By Atty. Remigio D. Saladero Jr. June 21, 2010

Maaaring naging matagumpay ang isang unyon na makamit ang isang benepisyo sa pamagitan ng sama-samang tawaran (collective bargaining). Ngunit kahit ang isang benepisyo ay nakalagay na sa collective bargaining agreement (CBA), kailangan pa rin ang masusing pagbabantay ng unyon para matiyak ang lubusang pagtupad ng manedsment sa benepisyong ito. Ang anumang kapabayaan sa panig ng mga manggagawa ay maaring magbunga ng hindi kanais-nais na resulta. Ito ang nangyari sa kasong “Malayan Employees Association –FFW et. al. vs. Malayan Insurance Company, Inc.” (GR No. 181357; February 2, 2010).

Sa nasabing kaso, matagumpay na natamo ng mga manggagawa sa kanilang CBA ang benepisyo na kung tawagin ay union leave. Ayon sa kanilang CBA, ang mga pinuno ng unyon ay bibigyan ng kompanya ng bakasyon na may bayad para makadalo sa mga pagpupulong ng labor management committee, grievance committee, labor education seminar at iba pang gawain ng unyon.

Para sa pagpatupad ng nasabing benepisyo, naglabas ng kautusan ang kompanya na lahat ng pinuno ng unyon na gustong mabigyan ng union leave ay kailangan munang magbigay ng abiso sa kanyang department head. Kapag sang-ayon ang department manager, mabibigay ang union leave sa opisyal ng unyon na humingi nito. Kapag hindi sang-ayon ang department head ay hindi mabibigay ang nasabing union leave. Hindi nagpahayag ng pagtutol ang unyon sa nilabas na kautusan ng manedsment.

Pagkalipas nang halos dalawang taon, isang union leave na hinihingi ni Rodolfo, isang opisyal ng unyon, ang tinanggihan ng kanyang department head sa kompanya. Kulang kasi raw sa tao ang departamento ni Rodolfo sa mga panahong iyon, paliwanag ng department head. Kaya’t hindi ito makapagbigay ngunion leave kay Rodolfo.

Bagamat hindi inaprubahan ng manedsment ang kanyang union leave, tinuloy ito ni Rodolfo. Nagalit naman ang manedsment at nagpataw ng suspension dito kay Rodolfo. Dahil dito, nagdemanda ang unyon dahil sa paglabag ng manedsment sa umiiral na CBA.

Nakarating ang kaso sa Korte Suprema.

Pinanigan ng Korte Suprema ang manedsment sa naging hatol nito.

Pinaliwanag ng Korte Suprema na makatuwiran lamang ang nasabing patakaran ng manedsment at kitang-kita sa naging reaksiyon ng unyon na tanggap nito ang nasabing patakaran. Matapos itong ipatupad ng kompanya kulang-kulang dalawang taon na ang nakaraan, hindi man lang naringgan nang anumang pagtutol ang unyon tungkol sa patakarang ito. Walang sulat o anumang ebidensiya na nagpoprotesta o tumututol ang unyon dito.

Bagkus ay sumunod pa ang unyon sa patakarang ito ng kompanya. Sa panahong nagdaan ay nagsasabi at kumukuha ng pahintulot mula sa manedsment ang mga opisyal at kasapi ng unyon upang makagamit ng union leave. Kahit si Rodolfo mismo ay sumusunod sa patakarang ito at ngayon na lamang nagsabi na mali ang ganitong patakaran nang hindi payagan ng kompanya ang hinihingi niyang union leave.

Dahil dito, pinawalang bisa ng Korte Suprema ang demanda ng unyon at dineklarang tama ang patakarang nilabas ng kompanya tungkol sa union leave at hindi ito bumabangga sa CBA.

Kaya mga kasama, hindi kesyo nailagay na sa CBA ang benepisyong ating hinihiling ay kampante na tayo. Kailangang lagi tayong nakabantay para tiyakin ang lubos na pagsunod ng manedsment sa mga benepisyong ito.

Tuesday, March 2, 2010

Thursday, February 25, 2010

Filipinos do not favor Arroyo's bid as Pampanga representative

IBON Survey | 20 February 2010 | Reference: Rosario Guzman, IBON Executive Editor -- Only 6.2% said that they were in favor of Pres. Arroyo staying in government as a representative.

Most Filipinos are not in favor of President Gloria Macapagal Arroyo to stay in government as Pampanga representative, the latest IBON nationwide survey shows.

Asked if they were aware that the president is running for Congress in May, 82% of respondents said yes. Of these respondents, only 6.2% said that they were in favor of Pres. Arroyo staying in government as a representative, while 86% were not in favor.

The January 2010 nationwide survey was conducted on January 9-17 using multi-stage probability sampling scheme. The latest survey has a margin of error of plus or minus three percent. (end)

Below is the tabulation of results of respondents’ perception on the reports that the president will run for Congress.

Are you aware that Pres. Gloria Macapagal-Arroyo plans to run in Congress in the 2010 elections after her term ends?

July 2009

October 2009

January 2010

Yes

68.43

61.03

81.81

No

31.10

38.44

16.39

No Answer

0.47

0.53

1.81

Total

100.00

100.00

100.00


* for July and October 2009, the question was "Are you aware of reports that PGMA plans to run in Congress in the 2010 elections after her term as President ends? "


Are you in favor of Pres. Arroyo to stay in government as Pampanga representative?

July 2009

October 2009

January 2010

Yes

7.23

7.01

6.21

No

82.01

85.76

85.85

Dont Know

10.36

6.68

7.77

No Answer

0.39

0.55

0.16

Total

100.00

100.00

100.00

The full results of the January 2010 IBON nationwide survey may be viewed at www.ibon.org


IBON Foundation, Inc. is an independent development institution established in 1978 that provides research, education, publications, information work and advocacy support on socioeconomic issues

Thursday, January 21, 2010

Pamahayag atol sa ika-23 ka tuig nga kasumaran sa Mendiola Massacre


YUTA UG HUSTISYA ALANG SA MGA MAG-UUMA!

Karong adlawa ang ika-23 ka tuig nga kasumaran sa Mendiola Massacre nga mikutlo sa kinabuhi sa 13 ka mag-uuma. Hangtud karon walay nakab-ot nga hustisya ang mga biktima ug inay gipagrabe pa sa pasistang atake sa rehimeng Arroyo han-ay sa mga mag-uuma ug gipalawig pa ang pagpatuman sa kontra mag-uuma nga CARP.

Sa paghandum sa Mendiola Massacre sa katapusang tuig ni Gloria mihugop sa kaulohan ang liboan ka mag-uuma gikan sa Luzon, Visayas ug Mindanao nga mipahigayon sa nasudnong lakbayan (taas nga martsa ug caravan) -diin gilatas nila ang liboan ka kilometro - aron hiniusang ipalanog ang panawagan alang sa tinuod nga reporma sa yuta ug katilingbanong hustisya.

Kini taliwala nagkagrabeng suliran sa yuta ug kuyanap nga pagpangyatak sa tawhanong katungod sa gobyernong Arroyo. Bisan sa iyang pagpalawig ug pag-”reporma” sa mini nga Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), pabiling 7 sa 10 ka mag-uuma ang saop ug walay gipanag-iyang yuta.

Samtang moabot sa 562 ka mag-uuma ang nabiktima sa extra-judicial killings diin 129 nila mga lider mag-uuma.

Sobra na duha ka dekada ang pag-antos sa mga mag-uuma ubos sa CARP, nga dugoong legasiya sa administrasyong Aquino. Dili na kini angayang ipadayon bisan usa ka minuto man lang. Ang mosunod nga administrasyon human sa piniliay kinahanglang amgo sa maong katilingbanong reyalidad.

Ang militaristang kagamhanang Arroyo kinahanglang hatagan sa kinutoban diha sa pagpakyas sa iyang laraw nga magpabilin sa gahum lampas 2010. Mahimo kini sa hiniusang kusog sa katawhan sa kadalanan ug natarang elektoral. ###

Gipagawas sa:

Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Cebu (KMP-Cebu)